Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahandang tumulong ang national government kung kailangan ng saklolo ng lokal na pamahalaan.
Ito ang siniguro ni PCO Spokesperson for Calamity and Natural Disaster Assistant Secretary Joey Villarama kaugnay sa nangyaring ng landslide sa Antipolo City.
Ayon kay Villarama batay sa protocol, ang lokal na pamahalaan ang nagsisilbing frontliner o nangunguna sa pagtugon sa anumang insidente ng kalamidad.
Gayunpaman, lagi naman aniyang nakahanda at nakaantabay ang national government sa anupamang pwede nitong ipagkaloob na tulong kung kakailanganin.
Sa naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., siniguro nitong may nakalatag ng standard operating procedures ang pamahalaan o ang mga ahensiya ng gobyerno sa panahon ng kalamidad.