-- Advertisements --

Tiniyak ng Malakanyang na seryosong tinututukan ng pamahalaan ang kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Mr. Anson Que.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro na patuloy ang isinasagawang imbestigasyon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyaking mababawasan, kung hindi man tuluyang mapuksa, ang ganitong uri ng krimen sa bansa.

Sinegundahan din ng Palasyo ang pagkumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong araw sa nasabing insidente.

Ipinaliwanag naman ni Usec. Castro na hindi agad nagsalita ang mga awtoridad kaugnay ng kaso dahil sa kahilingan ng pamilya ng biktima.

Una nang nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Filipino-Chinese business community kaugnay ng umano’y sunod-sunod na kaso ng kidnapping, na ayon sa kanilang tala ay umabot na sa 12 ngayong taon.