Umalma ang Palasyo ng Malakanyang sa naging pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na patuloy ang pamamayagpag ng krimen sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang pahayag sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang pahayag ni Duterte ay isang kumpletong kabaligtaran sa statistics ng Philippine National Police (PNP) ngayon kung saan bumaba ang krimen sa buong bansa.
Ipinagmalaki ng Malakanyang na nakamit ngayon ang stability at napanatili ang peace and order sa bansa na hindi nalalagay sa alanganin ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.
Binigyang-diin ni Bersamin na sa ngayon maikukunsiderang safe and secured ang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Ginawa ni Duterte ang kaniyang pahayag ng dumalo iton sa pagdinig ng Senado.