-- Advertisements --

Walang alam ang Palasyo ng Malacañang hinggil sa ulat na di umano’y nag apply ng asylum si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, wala silang nakuhang impormasyon ukol dito.

Ang tanging ulat na kanilang nakuha ay patungkol sa pag-uwi ni dating Pangulong Duterte sa bansa mula sa Hongkong.

Batay sa lumabas na ulat mula sa isang source na di umano’y tinanggihan daw ng China ang hiling na asylum ni Duterte.

Ang nasabing ulat ay pinasinungalingan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque na hindi kasapi ang China at Hongkong sa 1951 Convention on the Rights of Refugees and Asylum Seekers kaya imposible raw na mag apply ang dating Pangulo ng asylum