Hanggang sa ngayon wala pang natatanggap na kopya ng warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulo. Rodrigo Duterte.
Naghihintay pa ang Malakanyang ng opisyal na kopya ng sinasabing warrant of arrest.
Ayon kay Palace Press Officer, USec Atty. Claire Castro na hindi nila makumpirma ang impormasyong ito hanggat wala silang nakukuhang pisikal na kopya ng arrest warrant.
Sinabi ni Castro, dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas may ibat ibang option aniya ang ICC para iparating sa pamahalaan ang warrant of arrest kung meron man silang inisyu.
Pwede aniya itong ipadala sa office of the president, sa Dept of Justice o sa bansa kung nasaan naroon ngayon ang taong subject ng arrest warrant.
Sakali aniyang may makuha silang official copy ng warrant of arrest, agad nila itong isasapubliko.