-- Advertisements --

Tiniyak umano ni Senator Manny Pacquiao na walang dapat ikabahala ang mga fans kahit dalawang taon na siyang walang laban.

Ayon kay Pacman, hindi siya nababahala sa isyu na kalawangin na siya bunsod ng mahabang layoff.

Huling akyat sa ring ni Manny ay nang talunin niya si Keith Thurman noong pang July 20, 2019.

Paliwanag naman ng ring icon, kung tutuusin maganda pa nga raw itong pahinga dahil sa 25 taon na rin niyang pagboboksing.

Bahagi rin daw ito nang pagrekober ng kanyang katawan.

Sa ngayon sa edad daw niyang 42-anyos, malakas at maliksi pa rin siya.

Una rito, ilang mga analyts ang nababahala kung bakit pinili ni Pacman ang mas batang 31-anyos na si Errol Spence na kabilang pa sa best pound-for-pound boxer sa boung mundo.

Giit naman ng fighting senator, gusto niyang labanan sinuman ang top boxer na puwedeng itapat sa kanya.

Ilang mga sports analyst ang naniniwala na posibleng ito na ang last fight ng pambansang kamao bago tuluyang isabit ang kanyang mga boxing gloves.