-- Advertisements --
NAGA CITY – Hindi umano nagpatinag sa buhos ng ulan ang mga taga-Canada para sa ginawang mga pagdiriwang sa tagumpay ng Toronto Raptors sa Game 3 ng NBA Finals.
Sa report ni Bombo International Correspondent Vonn Canton, sinabi nitong sinabayan ng buhos ng ulan ang panonood ng mga Canadian lalo na sa Jurassic Park sa Toronto, Ontario.
Sa kabila nito tuloy umano ang kasiyahan ng mga ito dahil sa nasungkit na tagumpay ng team matapos talunin ang Golden State Warriors sa score na 123-109.
Kapansin-pansin din aniya ang paglobo ng bilang ng mga manonood sa mga pampublikong lugar na nag-abang ng nasabing laro.
Kaugnay nito, umaasa pa rin ang mga taga-Canada na muling makakapuntos ang Raptors sa Game 4 bago muling ibalik sa kanilang lugar ang laro.