-- Advertisements --
Ikinatuwa ng mga residente ng Bolivia ang matinding pagbuhos ng ulan dahil naapula ang nagaganap na wlidfire na sumira sa mahigit apat na milyong hektarya ng lupain.
Ayon sa Santa Cruz provinces offiicials na wala na silang na-monitor na aktibong sunog mula ng bumuhos ang malakas na pag-ulan.
Kanila din aniya itong babantayang ng ilang oras para matiyak na hindi na muling magsimula ang sunog.
Ang nasabing sunog ay nagdulot ng matinding kilos protesta laban kay Bolivian President Evo Morales dahil sa mahinang environmental policies nito.
Nagsimula ang matinding sunog noon pang nakaraang buwan at maraming mga residente sa kalapit na lugar ng Santa Cruz ang lumikas.