-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nagsilabasan sa kani-kanilang mga opisina ang ilang mga residente at empleyado sa lungsod ng Tacloban dahil sa nangyaring 6.5 magnitude na lindol kaninang umaga.

Sa paglibot ng Bombo Radyo Newsteam, nakitan na ilan sa mga residente ang nag-panic habang nangyayari ang pagyanig.

Nauna nang natukoy ang sentro ng lindol sa Timog silangan ng Cataingan, Masbate pero umabot ito sa ilang bayan sa Visayas. 

Sa Earthquake Information Number 1 mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim itong isang kilometro at tectonic in origin.

Naramdaman naman ang lakas ng pagyanig sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV – Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi, Albay; Lezo, Aklan

Intensity III – City of Iloilo

Intensity I – President Roxas, Capiz

Maging sa ilang lugar naitala ng mga instrumento ang lakas nito sa:

Intensity V – Masbate City, Masbate

Intensity IV – Palo, Leyte; City of Iloilo; City of Roxas, Capiz; Naval, Biliran;

Intensity III – City of Bago, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City

Intensity II – Gumaca, Quezon; City of Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu

Intensity I – Malay, Aklan; City of Gingoog, Misamis Oriental

Samantala, inaasahan naman ang posibleng aftershocks at pagkasira ng ilang ari-arian dahil sa lindol.