Mas malaki na umano ang magiging posibilidad na maipasa ang revival ng death penalty law sa pagpasok ng 18th Congress.
Ito ang sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, matapos makapasok sa “magic 12” ang halos lahat ng kandidato ng administrasyon sa partail and unofficial tally.
Ayon kay Sotto karamihan sa mga nasa top 12 tulad ni dating PNP Chief Ronald dela Rosa ay sang ayon sa death penalty subalit para lamang sa mga heinous crime tulad illegal drug trade.
Subalit sinabi ni Sotto na kapag ipinilit ang ilang krimen na ipaloob sa parusang bitay, tiyak na maraming senadior ang tututol dito.
Gayunman, sinabi ni Sotto na hindi prayoridad ng Senado ang capital punishment law, ngunit sakaling may maghain nito sa 18th Congress ay kanila itong tatalakayin.