-- Advertisements --
Magpapatupad na naman ang mga oil companies ng malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa mga energy sources, nasa P0.45 hanggang P0.55 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.50 hanggang P0.60 naman ang itataas ng kada litro ng diesel.
Mas malaki naman ang umento sa kerosene na P0.65 hanggang P0.70 kada litro.
Karaniwang inaanunsiyo ang oil price adjustment sa araw ng Lunes at kinabukasan ito ipatutupad.
Samantala, nilinaw naman ng pamahalaan na hindi kasama sa nasabing oil price hike ang mga lugar sa Pilipinas na sinalanta ng bagyong Odette.