-- Advertisements --
Isang malaking pagtaas na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahan na ipapatupad ng iba’t ibang kompanya ng langis sa susunod na linggo, ayon sa isa sa mga opisyal ng Department of Energy.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director Atty. Rino Abad, mahigit P3 ang oil price hike na inaasahan sa susunod na linggo.
Isa sa mga nakikitang dahilan aniya rito ay ang paunti-unti nang paglabas ng China sa kanilang lockdown.
Bukod dito, naka-ambag din sa galaw sa presyuhan ng langis ang paghinto ng peace talks sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Noong Abril 19, nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng langis matapos ang 2 linggong rollback.
Naglalaro ang oil price hike kamakailan sa P0.45 hanggang P1.70.