Aminado ang Boston Celtics na marami silang natutunan sa kanilang mga pagkakamali kaya natalo sila sa Game 1 ng Miami Heat.
Nitong araw todo pag-aaral ang ginawa ng Boston sa video plays upang hindi na maulit ang kanilang sablay na mga diskarte.
Nagbigay pugay naman ang ilang players sa ginawa ng Miami lalo na sa transition plays kaya nangulelat sila sa paghahabol.
Sinasabing marami umanong mga positibong tips ang kanilang natutunan kaya nakawala sa kanilang kamay ang Game 1.
Ayon sa isa sa Boston star na si Marcus Smart na nagtala ng 26 points, kapag naayos nila ang ilan nilang kamalian ay magbabago na ang timplada bukas.
Inihalimbawa pa niya ang kanilang maling diskarte sa depensa at “miscommunications.”
“We believe if we clean a couple things up,” ani Smart. “It’ll be a different outcome.”
Napansin naman ni Kemba Walker, namayagpag daw sa fast-pace offense ang Miami na umabot sa 16 ang fast-break points na nagawa.
“They’re a really great team in transition so we have to do better on that,” pagtitiyak pa ni Walker.
Bukas ng alas-7:00 ng umaga (PH time) ang simula ng Game 2 ng magkaribal na team.