-- Advertisements --

LAOAG CITY – Posibleng patawan ng administrative case o reklamo kriminal ang Venvi Agro-Industrial Corporation dahil sa maduming tubig mula sa piggery at poultry na napupunta sa Nagabungan Creek sa bayan ng San Nicolas, Ilocos Norte.

Base sa sulat ng DENR-EMB Regional Office 1, lumabag ang nasabing korporasyon matapos ang isinagawang water sampling sa nasabing sapa at bumagsak ito sa standards.

Lumabag ang korporasyon sa Republic Act No. 9275 o Philippine Clean Water Act of 2004.

Inaprobahan ng Sangguniang Panlalawigan ang resulosyon para sa pagpapataw ng karampatang parusa laban sa korporasyon.

Inirekomenda sa Sangguniang Panlalawigan ang pagsuspinde sa Environmental Compliance Certificate ng nasabing kompanya.

Una rito, ipinaabot ang reklamo sa Office of the Barangay Affairs ng lalawigan dahil sa mabahong amoy mula sa korporasyon kung saan naapektuhan ang pamumuhay ng mga residente na malapit sa korporasyon.