LAOAG CITY – Tuwang-tuwa ang mga tao sa isang dambuhalang baboy sa Barangay Davila, Pasuquin, Ilocos Norte dahil sa pagiging friendly nito at pwede itong kausapin at utusan.
Ayon kay Mrs. Virgie Daguro, ang alaga nilang baboy ay pinangalanan nila itong “Singpet” na ang ibig sabihin ay mabait at ito ay kakaiba ang laki nito dahil halos hindi na makita ang mukha nito at ang kulay ay napakaitim.
Sinabi ni Daguro sa Bombo Radyo na hindi nila ikinukulong ang nasabing baboy dahil gustong-gusto nitong makipaglaro sa ibang hayop.
Napatunayan din ng Bombo Radyo na pwedeng kausapin at utusan si “Singpet” sa pamamagitan ng pagpapaupo at pagpapahiga sa kanya, at nung tawagin ng kanyang amo ay agad siyang lumapit dito.
Napag-alaman din na “choosy” din si Singpet sa kanyang kinakain dahil pawang mga pagkain ng tao ang gusto nito gaya ng kanin, spagetti at iba pa.
Nito lamang nakaraang araw ay ibinahagi ni Mrs. Daguro na nag-celebrate sila ng unang kaarawan ni Singpet.