-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagalak si North Cotabato Vice Governor Emmylou Taliño-Mendoza sa pagkakapasa on third and final reading ng House Bill 1012, isang enabling measure para sa pag-reset sa 2025 ng 2022 elections para sa Bangsamoro parliament.

Ang house bill 10121 ay unang ipinasa ni dating Governor at Maguindanao 2nd District Congressman Esmael”Toto”Mangudadatu na todo pasasalamat sa Kongreso at Senado lalo na kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bago lang ay inaprubahan on third and final reading ng kongreso ang House Bill 10121 na siyang magiging batayan ng pagpapaliban ng 2022 regional elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Isang rason kaugnay ng hiling ng mga residente ng BARMM sa pagliban ng 2022 regional elections ay ang pangangailangan ng sapat na panahon sa pag-gabay sa mga guerilla ng Moro Islamic Liberation Front sa kanilang pag disarma upang makapamuhay na ng tahimik at matiwasay sa ilalim ng BARMM government.

Una ng pinasa ng Senate on third and final reading nitong nakalipas na linggo ang Senate Bill 2214 na, katulad ng House Bill 10121, ay naglalayon din na i-postpone ang 2022 BARMM regional elections.

Ang pagliban, o di pagsasagawa ng 2022 elections sa BARMM ay para lang sa mga myembro ng Bangsamoro parliament, at hindi saklaw ng Senate Bill 2214 at ng House Bill 10121 ang elections para sa provincial, city at municipal officials at congressional slots sa rehiyon.

Ang BARMM ay may sakop na 63 barangays sa ibat-ibang bayan sa North Cotabato.