-- Advertisements --

BAGUIO CITY-Mawawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng Baguio City at Benguet bukas, April 23 araw ng Martes.

Batay sa impormasyon mula sa Benguet Electric Cooperative (BENECO) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ang scheduled power interruption sa alas sais ng umaga hanggang alas sais ng hapon.

Ayon sa Beneco, ang brownout ay isasagawa ng NGCP at ito ay hindi galing sa Beneco.

Maaapektuhan ang buong Baguio City maliban lamang sa Pacdal, Mines View Park, Gibraltar, Pucsusan, Lualhati Village, Outlook Drive, Lucnab, Country CLub Village, South Drive, parts of Cabinet Hill-Teachers Camp , Happy Hallow, DPS Compound, Greenwater Village, Military Cut-Off, Sta. Scholastica, Scout Barrio, Upper Dagsian, Lower Dagsian, Hillside, Gabriela Silang, Camp 7, Camp 8, Poliwes, San Vicente, Balsigan, Kias, Loakan Liwanag, Loakan Proper, Loakan Pidawan, Bubon, EPZA, Pinesville, PMA Fort Del Pilar, Atok Trail, Loakan Magsaysay, Loakan Apugan, Springhills, Kadaclan Village, VOA, at sa bahagi ng DENR.

Mawawalan din ng suplay ng kuryente ang buong bayan ng La Trinidad, Benguet maliban sa Beckel at bahagi ng Ambiong; buong bayan ng Tuba maliban sa Camp 4, Camp 3, Camp 1, Twin Peaks, Tabaan Sur, at Ansagan; bayan ng Bakun maliban sa Kayapa; Bokod maliban sa Ambuklao at Bobok Bisal; Kibungan maliban sa Tacadang; at ang buong bayan ng Atok, Buguias, Kabayan, Kapangan, Mankayan, Sablan, at Tublay, Benguet.

Ayon sa NGCP, isasagawa ang scheduled power interruption para sa preventive maintenance sa Power Transformer at mga feeders.