-- Advertisements --
Nanatiling wala pa ring suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng isla ng Bohol at probinsiya ng Bohol.
Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command head Col. Gerry Besana na nakakabalik na sa normal ang kalagayan ng nasabing probinsiya subalit problema pa rin ang suplay ng kuryente.
Makikipagpulong umano ang AFP sa mga iba’t-ibang ahensiya para pag-usapan ang nasabing panunumbalik ng suplay ng kuryente.
Nauna rito sinabi nig National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na labis na tinamaan ng bagyong Odette ang Bohol kaya malaking bahagi nito ang naapektuhan at nawala ang suplay ng kuryente.