-- Advertisements --
Binaha ang malaking bahagi ng Dubai dahil sa ilang araw na walang tigil na pag-ulan.
Maraming mga flights naman sa Dubai International Airport ang naantala matapos na pasukan ng tubig ang tarmac ng paliparan.
May ilang eroplano rin ang nalubog sa baha sa tinaguriang “2nd busiest airport in the world”.
Maging ang mga malls at maraming kabahayan ay hindi nakaligtas sa tubig baha.
Ang Dubai at ang buong United Arab Emirates ay madalang na dinadalaw ng pag-ulan kaya maraming mga imprastraktura doon ang hindi sanay sa nasabing mga tubig baha.