-- Advertisements --

Mayroong malaking epekto sa ekonomiya kapag magpatupad ng panibagong lockdown sa National Capital Regions (NCR).

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na mayroong 1.8 milyon na mga manggagawa mula NCR at kalapit na probinsiya ang mawawalan ng trabaho.

Dagdag pa ng kalihim na ito ang dahilan kaya inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter Agency Task Force na panatilihin ang NCR sa general community with heightened restrictions.

Hindi na makakayanan ng ekonomiya ang magkaroon ng hard lockdown dahil noong unang ipinatupad ito sa Marso ay mayroong P30 bilyon na sahod ang nawala.

Paliwanag pa ni Lopez na nagkaroong ng masusing pagpupulong ang mga eksperto bago ipatupad ang nasabing quarantine restrictions.