KALIBO, Aklan—Nakaranas ng malawakang power at water interruption sa Guam kasunod sa pananalasa ng Typhoon Mawar.
Inihayag ni Bombo International Correspondent Isidra Naig-Coloma, tubong bayan ng Madalag, Aklan ngunit halos 15 taon nang naninirahan sa US teritory na Guam na ngayon lamang nila naranasan ang ganito kalakas na bagyo.
Umapaw ang mga swimming pool na nagdulot ng pagbaha at pinasok ng tubig ang mga kabahayan.
Dagdag pa niya na walang bukas na mga establisyimento dahil sa mga nagkalat na debris mula sa mga salaming nabasag dahil sa malakas na pagbayo ng hangin.
Bumaliktad ang mga sasakyan at nagtumbahan ang mga punong kahoy maging ang mga poste ng kuryente kung kaya’t sasakyan sila nagcha-charge ng kanilang mga cellphone.
Tubig mula sa swimming pool ang kanilang ginagamit sa comfort room habang bumabyahe pa sila papuntang mga water station para lamang makabili ng malinis na tubing pang-inom at panghugas ng kanilang mga pinggan.
Wala rin aniyang napaulat na nasawi sa kanilang lugar at inaasahan na sa susunod na araw ay marating na sila ng tulong mula sa gobyerno sa oras na matapos ang clearing operation sa mga pangunaning kalsada.
Huling tumama ang malakas na bagyo sa Guam ay noon pang 2002.