Nananatili pa ring walang supplay ng kuryente ang malaking bahagi ng lalawigan ng Isabela matapos ang naging pananalasa ng bagyong Nika.
Una rito ay iniulat ng Office of the Civil Defense – Region 2 na maraming punong kahoy ang nabuwal at poste ng kuryente na natumba dahil sa malakas na hangin at ulang dala ng bagyo.
Batay sa datos ng ahensya , aabot sa 2,000 na pamilya o katumbas ng higit 6,000 na indibidwal ang inilikas kasabay ng pananalasa ng bagyo.
Karamihan sa mga nasabing bilang ay nagmula sa mga coastal towns mula naman sa mga lalawigan ng Palanan, Dinapigue, at Maconacon.
Iniulat rin ng OCD na aabot sa 21 tulay at mga kalsada ang pansamantalang unpassable dahil sa pag-apaw ng tubig sa Cagayan River.
Kabilang rin sa mga nasira ng bagyo ay mga paaralan, simbahan, at mga opisina dahilan para magsuspinde ang mga ito ng pasok.