-- Advertisements --

Naglabas na ng winter storms ang National Weather Service (NWS) sa ilang lugar sa Central America.

Ayon sa NWS na asahan ang matinding pag-ulan ng yelo sa mga estado ng Kansas at Missouri habang mayroong blizzard warnings naman sa New Jersey.

Dahil dito ay maaapektuhan ang mga biyahe ng eroplano at anumang uri ng sasakyan.

Ang polar vortex na may dalang labis na lamig ng panahon ay normal na nararanasa sa north pole subalit ito ay umaabot sa ilang bahagi ng US, Europa at maging sa Asya.

Maging sa bahagi ng New York ay nakakaranas ng hanggang tatlong talampakan na yelo at ito ay mararanasan ng ilang araw.

Una ng nagdeklara si Virginia Governor Glenn Youngkin ng state of emergency noong nakaraang Biyernes dahil sa nararanasang bagyo.