-- Advertisements --
Nalubog sa tubig baha ang malaking bahagi ng Vancouver, Canad dahil sa pananalasa ng bagyo.
Dalawang malaking highway na komokonekta sa West Coast City ang isinara dahil sa pagbaha.
Ilang libong katao rin ang napilitang ipinalikas dahil sa nasabing banta ng bagyo.
Nasawi naman ang isang babae dahil sa landslide sa highway at nasa dalawang katao naman ang naiulat na nawawala.
Itinuturing ng mga otoridad na ang nasabing bagyo ay pinakamatindi na dumaan sa kasaysayan ng Canada at resulta umano ito ng climate change.