-- Advertisements --

Kinumpirma ng mga kinauukulan na mga kabataan sa Kenya ang nagpasimula ng malawakang kilos-protesta sa kanilang bansa para kondenahin ang bagong finance bill na nakatakda sanang pirmahan ng kanilang presidente na si William Ruto.

Sinasabi na naging epektibo ang inorganisang kilos protesta ng mga kabataan ng Kenya sa pamamagitan lamang ng social media.

Ito ang naging dahilan kung bakit napilitan ang kanilang presidente na ibasura ang panukalang batas.

Batay sa datos ng mga Kenyan Authority, hindi baba sa 22 na sibilyan ang kumpirmadong nasawi matapos na paputukan ng mga pulis.

Malaking hamon naman kay Kenyan President William Ruto na kunin muli ang tiwala at loyalty ng kanilang mga mamamayan.

Dito ay nanindigan ang presidente na hindi na niya ito pipirmahan.