Ipinagtanggol ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara ang inilaang P50 million para sa gagamiting flame holder para sa 2019 Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Angara, hangad ng gobyerno ng Pilipinas na gawing impresibo ang hosting sa malaking event at kaakibat na nito ang paglalaan ng malaking pondo para sa mataas na kalidad ng mga proyektong may kinalaman sa naturang aktibidad.
Sa disenyo pa lamang na likha ng kilalang architect na si Bobby Manosa ay mahigit P4 million na ang ginastos ng gobyerno.
“I think what the government was really envisioning was to do an impressive hosting of the games and showcase the Philippine ingenuity by using Philippine creative designers and performers,” wika ni Angara.
Una rito, sa paghimay sa budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), kinuwestyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang malaking gastos na pwede na raw sanang ipagawa ng mga silid aralan.