-- Advertisements --

Nakahanda na ang malaking field hospital ng Philippine Red Cross sa Kartilya ng Katipunan katabi ng Manila City Hall sa Lungsod ng Maynila.

Ang itinayong field hospital ay ang siyang gagamitin ng mga volunteers para rumesponde sa mga mangangailangan ng agarang tulong ngayong kapistahan ng Hesus Nazareno.

Ibinahagi ni Richard Gordon, ang Chairman ng Philippine Red Cross, nakaantabay na ang naturang field hospital pati ang mga kagamitan nito na kanilang gagamitin simula ngayon hanggang kinabukasan ng traslacion.

Makapagbibigay ang mga volunteers ng paunang lunas lalo na sa mga debotong mahihilo, mawawalan ng malay, masusugatan at iba pang may medikal na pangangailangan. 

Mayroon namang inihandang tatlong palitan ng duty para sa magiging oras ng mga tauhan nila sa pag-antabay ngayong Nazareno 2025. 

Sinabi din ng naturang chairman na makasisiguro ang mga deboto sa maihahatid nilang tulong sapagkat bago, habang, at kahit pagkatapos man ng traslacion ay nakaalerto pa rin sila. 

Ang field hospital sa Kartilya ng Katipunan ay may kapasidad na kayang magsilbi sa limampung pasyente ng sabay-sabay kasama ang itatalagang sampung doktor at dalampu hanggang tatlumpung nurses na tutulong sa mga debotong may medikal na pangangailangan.