-- Advertisements --

Sisimulan na sa Rodriguez, Rizal ang malaking proyektong “Pabahay sa Bagong Montalban.”

Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), bahagi ito ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ito ay una nang naipangako ng chief executive na gagawin hanggang sa huling bahagi ng kanyang termino sa 2028.

Kabilang sa itatayo ang pitong 5-storey building sa Pahati Compound, Barangay Burgos ng naturang bayan.

Aabot naman sa 480 pamilya ang inaasahang maging benepisyaryo ng nasabing pabahay.

Kamakailan ay isinagawa na ang groundbreaking ceremony sa project site na pinangunahan ni Undersecretary Garry De Guzman at ilang lokal na opisyal sa nakakasakop na bayan.