-- Advertisements --

Malaking incentives para sa mga investors, ipinapangako ng gobyerno para makalikha ng mas maraming trabaho sa bansa

Makakatanggap ng “superior incentives” ang mga investors sa bansa sa ilalim ng ikalawang package ng comprehensive tax reform program ng Duterte administration.

Ayon kay Assistant Finance Secretary Tony Lambino “pro-incentives” para sa tamang mga dahilan ang House Bill No. 8083 o ang Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities (TRABAHO) Bill.

Sinabi ni Lambino na hangad ng panukalang batas na ito na lumikha ng mga trabaho sa pamamagitan nang pagbibigay ng maraming incentives sa mga investors upang mahikayat ang mga ito na pumasok sa bansa.

Pero nais daw nilang gawing time-bound ang pagbibigay ng incentives at hindi basta-basta ibigay lamang.

Dapat na performance-based at targeted hindi sa anumang industriya maliban na lamang sa nakapaloob sa Strategic Investment Priorities Plan (SIPP).

Kasabay nito, sinabi ni Lambino na nais nilang babaan din ang corporate income tax rate sa 30 hanggang 20 percent.