-- Advertisements --
image 393

Inihayag ng lider ng nag-aaklas na Russian mercenary na si Yevgeny Prigozhin ngayong araw na nakubkob nila ang kabisera ng Russia na Rostov-on-Don at nakatakdang magtungo sa Moscow bilang bahagi ng kanilang pagtatangkang mapatalsik ang liderato ng militar ng Russia upang ipaghiganti ang pagkamatay ng libu-libo nilang fighters.

Ang Rostov-on-Don ay ang headquarters para sa southern military command ng Russia at nasa isang milyong katao ang nakatira roon.

Una na kasing inakusahan ni Prigozhin ang Russia sa pagpapakawala umano ng air strike target ang kampo ng Wagner mercenary group fighters na ikinasawi ng kanilang mga kasamahan.

Subalit wala namang ebidensiya ang Wagner chief sa akusasyon nito sa Russian military dahilan kayat nagbukas ng isang criminal case laban kay Prigozhin dahil sa armed mutiny.

Nagdemand din si Prigozhin na makipagkita sa kaniya sa kabisera ng Rostov malapit sa border ng Ukraine sina Russian Defense Minister Sergei Shoigu at Valery Gerasimov, ang chief ng General Staff na una na nitong sinabi na kaniyang papatalsikin.

Matatandaan na ilang buwan na ring hayagang inaakusahan ni Prigozhin sina Shoigu at Gerasomiv ng kawalan ng kakayahan mamahala sa giyera sa Ukraine at pagkakait ng ammunition at suporta para sa fighters ng Wagner mercenary group at sinisi ang mga ito kayat palpak ang kanilang invasion sa Ukraine.

Tinawag naman ni Russian President Vladimir Putin na treason ang naging aksiyon ng Wagner at nangakong papanagutin ang mga nasa likod ng armed rebellion.