-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umaasa ang pamunuan ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na mabigyan agad ng aksiyon ang kanilang reklamo matapos na magkulang ng mga nurses sa hospital na magbabantay sa mga pasyente na nahawa ng COVID-19.

Nabatid na maraming mga nurse ang nag-resign sa kanilang trabaho dahilan kay nagkulang na ang mga medical staff sa hospital lalo na ngayon na patuloy ang mga hawaan ng virus.

Una nang sinabi ni Dr. Marie Yvette Barez, Adult Infectious Diseases Specialist ng SPMC na umaabot sa limang mga nurse ang nagsumite ng kanilang resignation bawat araw kahit bago pa lamang na naka-hire ang mga ito.

Nabatid na doble ngayon ang panawagan sa lokal na pamahalaan sa mga nurse na mag-apply kahit na ang mga wala pang lisensiya.