-- Advertisements --
Patuloy na uulanin ang malaking parte ng Mindanao dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 40 kilometro sa silangan ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Kabilang sa makakaranas ng makulimlim hanggang sa maulangang maghapon ay ang Zamboanga Peninsula, Bangsamoro region, Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.
Maaari din umanong bahain at makapagtala ng landslide sa low lying areas.