-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mahigpit na pinaalalahanan ng Police Regional Office 10 na pananatilihin na impartial sa kanilang trabaho partikular sa pagsisimula ng kampanya ng national candidates patungo sa mismong araw ng halalan sa Northern Mindanao.

Ginawa ni PRO 10 Director Brig/Gen Benjamin Acorda Jr ang pahayag kaugnay sa pagsumbong ng ilan sa kanyang mga pulis sa rehiyon na mayroon umanong isang malalaking politiko na nag-alok na bigyan sila ng P8,000 monthly kapalit ng pabor sa nalalapit na May 9 elections.

Bagamat maingat si Acorda at hindi binanggit ang pangalan ng tinukoy na politiko subalit dismayado ito na ganito ang pagtrato ng kanilang mga pulis na buhis-buhay pagserbisyo mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa Northern Mindanao.

Ito ang dahilan na mahigit ang tagubilin ng heneral na huwag magpalinlang sa kaunting halaga ng pera para hindi malagay sa kompromiso ang kanilang trabaho.

Magugunitang naging laman rin ng balita si Acorda noong Enero 2022 dahil mayroong isang malaking politiko sa rehiyon na umano’y tumungo pa sa Malakanyang para personal na hihingiin na patalsikin ito sa Northern Mindanao subalit umani lang nga pagkabigo.

Napag-alaman na sa inisyal na 21 lugar sa rehiyon ang iminungkahi ng PRO 10 sa Commission on Elections na malagay sa hot spot category dahil sa matinding political rivalry sa nakaraang mga pambansang halalan.