Aminado ang maraming players na apektado ang kanilang mga resitensiya sa pagbabalik ng NBA games sa July 30 na gaganapin sa Walt Disney World Complex sa Orlando, Florida.
Ilang coaches naman ang naniniwala na kuwestyunable ang conditioning ng mga players lalo na at mahigit tatlong buwan din na hindi naging aktibo ang mga ito mula nang suspindehin ang mga laro.
Aminado ang bagong superstar ng New Orleans Pelicans at forward na si Zion Williamson na napakahirap na manatili sila sa kondisyon.
Lalo na raw noong una na hindi nila alam kung kelan babalik ang liga.
Kuwento pa ni Zion, marami silang pinaggagawa kasama ang kanyang ama para lamang lumakas ang kanyang resistensiya at maging handa sa restart ng games.
“It was very tough,” bulalas pa ni Williamson.
Ganon din naman ang pahayag ng Jazz guard na si Donovan Mitchell.
Nagpadagdag pa sa kanyang pangamba ay ang pagbabalik matapos gumaling sa injury.
“Not having played for maybe like 120 days or something like that and kind of just being at a complete halt and then kind of going right into games that matter,” wika pa ni Mitchell.
Si Frank Vogel naman na coach ng Lakers ay nagsabing dati rati ay aabutin daw ng limang araw na naglalaro o merong pickup games ang mga players, isang buwan bago ang training camp.
Pero dahil aniya sa pandemic ay hindi na nila ito nagagawa.
“It’s been all individual workouts,” ani Vogel. “What will their bodies be ready for.”
Samantala sa NBA restart kick off sa July 30, unang magbabanggaan ang Jazz at Pelicans.
Susundan ito ng exciting game ng magkaribal na Clippers at Lakers.
Batay sa bagong patakaran, merong maximum na pitong games bawat araw kung saan ang local time sa Orlando ay gagawin ang mga laro sa pagitan ng alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-9:00 ng gabi.
Tatlong magkakaibang courts naman ang gagamitin sa mga plays kung saan bawal ang mga fans na manood pero live naman ang mga ito sa telebisyon.
Narito ang 22 teams:
Eastern Conference
Milwaukee Bucks
Toronto Raptors
Boston Celtics
Miami Heat
Indiana Pacers
Philadelphia 76ers
Brooklyn Nets
Orlando Magic
Washington Wizards
Western Conference
Los Angeles Lakers
LA Clippers
Denver Nuggets
Utah Jazz
Oklahoma City Thunder
Houston Rockets
Dallas Mavericks
Memphis Grizzlies
Portland Trail Blazers
New Orleans Pelicans
Sacramento Kings
San Antonio Spurs
Phoenix Suns