-- Advertisements --
KALIBO, Aklan — Nawalan ng kuryente ang buong isla ng Boracay matapos magbagsakan ang pitong poste ng kuryente sa Brgy. Balabag, Boracay.
Nabagsakan ng nabuwal na malaking puno ng kahoy ang isang poste ng Aklan Electric Cooperative (Akelco), subalit nadamay nito ang iba pang katabing steel pole.
Isinisi ang pagkakabuwal ng puno sa malakas na hangin at ulan.
Kahit hirap ang Akelco kasama ang mga tauhan ng Task Force Kapatid na kasalukuyang nagsasagawa ng Boracay Akelco lines rehabilitation na ayusin ang mga nagbagsakang poste, ngunit naibalik agad ang supply ng kuryente.
Masyadong malaki rin ang puno dahilan na pinutol muna ang mga sanga nito.