-- Advertisements --

Nagsagawa ng paramilitary at public security parade ang North Korea sa Pyongyang bilang pagdiriwang ng kanilang ika-73rd founding anniversary.

Makikita sa mga larawan na pawang nakasoot ng orange hazmat suits ang mga personnel habang nagma-martsa at walang makikitang ballistic missiles.

Personal na dumalo si Kim Jong Un sa nasabing pagtitipon-tipon.

Nagmartsa mula sa Pyongyang’s Kim Il Sung square ang mga pwersa ng Worker-Peasant Red Guards, ang pinakamalaking civilian defence force sa North Korea.

Ang pagsoot umano ng orange hazmat suits na may medical-grade masks ay sumi-simbolo sa kanilang pagsisikap upang labanan ang COVID-19.

Sa nasabing parada, ipinakita ang mga conventional weapons na kinabibilangan ng multiple rocket launchers at tractors na may kargang anti-tank missiles.

Napag-alaman na ito ang pinakaunang beses mula 2013 na pinaparada ng North Korea ang 5.7 million strong Worker-Peasant Red Guards.

Dahil dito, marami ang naniniwala na ang pinaghihinalaang kawalan ng mga strategic weapons at pagiging focus sa mga puwersang pangseguridad ng publiko ay nagpapakita na nakatuon si Kim sa mga domestic issues tulad ng COVID-19 at ang ekonomiya. (with reports from Bombo Jane Buna)