-- Advertisements --

Nagdulot ng malawakang sunog ang pagbangga ng oil tanker sa isang gusali sa Long Island, New York.

May laman na 9,200 gallons ng gasolina ang truck ng mawalan ng control ang driver at ito ay bumangga sa Rockville Center.

Bumaligtad ang truck bago bumangga sa bakanteng establishemento.

Umabot pa sa 10 oras bago tuluyang maapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog.

Nakarinig ng mahigit limang pagsabog ang mga nakasaksi sa insidente kung saan hindi bababa sa 10 katao ang nasugatan na agad namang dinala ang mga ito sa pagamutan.

Nawalan ng suplay ng kuryente ang mga residente sa lugar dahil sa nangyaring malaking sunog.