-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayong inaapula ng mga bombero ang malaking sunog na nagaganap sa sentrong bahagi nitong lungsod ng Butuan na kasalukyang lumalamon sa anim na palapag na Prince Hotel partikular sa may Montilla Boluevard.

Unang nilamon ng apoy ang Chinese school nitong lungsod na Timber City Academy kaninang pasado alas-nueve ng gabi kung kaya’t pinutol na ng Agusan del Norte Electric Cooperative (ANECO) ang linya ng kuryente.

Bahagyang humina ang apoy ngunit pagkalipas lang ng iilang minuto ay tumawid na ito sa kalapit nitong Prince Hotel na katabi naman ng pribadong Manuel J Santos Hospital kungsaan una nang nakitang inilikas na ang mga pasyente.

Ito ang pangalawang sunog ngayong araw lamang matapos unang lamunin naman ng apoy kaninang alas-12:30 ng tanghali ang pitong kabahayan sa Purok 3, Brgy. Ampayon nito ring lungsod.