-- Advertisements --

Idineklarang fire-out na ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos ang halos apat na oras sa nangyaring malaking sunog sa Correctional road, Barangay Mauay sa lungsod ng Mandaluyong.

Nagsimula ang nasabing sunog kaninang alas 3 a.m. kung saan mabilis itong kumalat dahil sa dikit-dikit ang mga bahay doon.

Rumesponde rin ang mga bumbero mula sa karatig na lugar ng Mandaluyong.

Inaalam pa rin ng mga kasapi ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog.

Magugunitang noong nakaraang Hunyo 1 ay naganap din ang malaking sunog sa barangay addition hills kung saan mahigit 1,000 pamilya ang naapektuhan.