-- Advertisements --
Aminado ang mga bumbero sa Australia na hirap nilang maapula ang malaking sunog sa north-west Sydney.
Umaabot na sa 300,000 hektarya na ang nasunog kung saan maraming residente ang lumikas.
Mula pa kasi noong Oktubre ay umabot na sa anim na katao ang nasawi.
Tumupok rin ang nasabing malaking sunog ng mahigit 700 na kabahayan.
Dahil sa nasabing maagang pagdami ng mga sunog ay nabuhay ang panawagan ng pag-aksyon para labanan ang climate change.