-- Advertisements --

Isang sunog ang sumiklab sa isang industrial establishment sa T. Santiago Street, Viente Reales, Valenzuela City nitong Biyernes Santo, Abril 18.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 5:25 p.m. at agad na itinaas sa ikalawang alarma pagsapit ng 5:37 p.m., bago pa umabot sa third alarm pagkalipas ng limang minuto, 5:42 p.m.

Ngayong 6:45 ng gabi ay patuloy ang pag-apula ng apoy ng mga bumbero sa lugar kung saan itinaas na ito sa ika-4 na alarma.

This is a developing story.