-- Advertisements --

Asahan ang malalakas na pag-ulan o moderate hanggang heavy rains sa mga probinsya ng Batanes, Cagayan, Isabela, at iba pang probinsya sa Northern Luzon dahil sa patuloy pa ring epekto ng Hanging Amihan o Northeast Monsoon.

Malaki ang tyansa ng mga pagbaha sa mga naturnag lugar, kasama na ang mga pagguho ng lupa.

Ang iba pang bahagi ng Northern Luzon ay inaasahang makakaranas ng maulap na papawirin na panaka-nakay nagdudulot ng mga pag-ulan, katulad diyan sa Ilocos Region, at Cordillera.

Sa Silangang bahagi ng Pilipinas, mula sa Aurora Province, Quezon Province, at Bicol Region, asahan ang makulimlim na panahon, at mga pag-ulan pagsapit ng tanghali hanggang gabi.

Mabibigat na pag-ulan din ang asahan sa mga naturang lugar, kayat posibleng magkaroon ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Ito ay bahagi pa rin ng epekto ng Easterlies na nakaka-apekto hanggang sa Visayas at Mindanao. Dahil pa rin sa Easterlies, asahan ang mga pag-ulan sa ilang bahagi rin ng Eastern Visayas.

Paalala naman sa mga mamamayan sa Mindanao na nakaranas ng malakas na pagyanig kahapon, posibleng maaapektuhan pa rin ang naturang rehiyon ng mga pag-ulan na dulot ng extension ng Easterlies.

Dahil dito, maaaring maranasan ang pagguho ng lupa, o biglaang pagkatubig ng mga lupa, lalo sa matatarik na lugar sa Mindanao. Dahil dito, ipinapayo ang ibayong pag-iingat.

Ngayong araw, naitala ang hanggang 16 degrees celsius na temperatura sa Baguio City, na isa sa pinakamababang temperaturang naitala ngayong taon dito sa bansa.

Top