-- Advertisements --
Aasahan pa rin ang malalakas na ulan kahit humina o malusaw na ang bagyong Maymay.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), maaaring maging low pressure area (LPA) na lamang ang naturang sama ng panahon, kaya ang ulan na lang na bitbit nito ang makakaapekto sa daraanang lugar.
Huli itong namataan sa layong 310 km sa silangan hilagang silangan ng Baler, Aurora o 245 km sa silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Halos wala pa ring pagkilos ang bagyo sa mga nakalipas na oras.