-- Advertisements --
image 225

Apektado ang bayan ng Pola Oriental Mindoro sa malalaking alon na sumalubong sa gitna ng kapaskuhan sa lugar.

Ilang mga kabahayan na ang nawasak maging ang ilang resort dahil sa malakas na hangin at alon.

Binaha rin ang maraming barangay, dulot na rin ng malakas na ulan.

Umapaw rin umano ang tubig sa dike, kaya nagdulot ng malakihang pagbaha.

Mahigit 300 pamilya naman ang apektado ng baha at malalaking alon, na nahatiran na ng relief goods.

Samantala, Hindi naman nakaligtas sa hampas ng alon ang mga kubo sa resort ng ilang naninirahan doon.

Patuloy naman ang pagbibigay at pag-abotng tulong ng local government sa mga lubhang naapektuhan ng malakas na alon.