-- Advertisements --

NAGA CITY – Nagpatupad na ng state of emergency si Prime Minister Abe Shinzō sa ilang mga malalaking lugar sa Japan.

Ito’y may kaugnayan sa patuloy na pagdami ng mga naaapektuhan ng coronavirus disease sa nasabing bansa.

Sa report ni Bombo International Correspondent Hershey Nazrishvili, kamakailan lamang umano napagpasyahan ng ng Japanese government na isailalim na sa state of emergency ang pitong malalaking prefecture sa Japan.

Ngunit ayon kay Nazrishvili, hindi naman ganoon kalala ang sitwasyon dahil hindi naman masyadong sinabayan ng mahipit na protocol ang naturang deklarasyon.

Aniya, pinakiusapan lamang ni Abe ang mamamayan na manatili sa mga bahay, sarhan na muna ang ilang mga negosyo at trabaho para makaiwas sa paglobo ng sakit.

Ngunit nasa mga tao na aniya ang desisyon kung susundin nila o hindi ngunit dahil sa pangamba na mahawaan ng sakit kung kaya karamihan sa mga tao ang nananatili na lamang sa kanilang mga lugar.

Sa ngayon, binigyan na aniya ng kapangyarihan ang mga gobernador ng naturang mga prefecture na magsagawa ng mga precautionary measures para matiyak na nasa mabuting kalagayan ang mga residente ng lugar.