-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Mistulang Christmas holiday rush ang naobserbahang siksikan ng mga tao sa malalaking malls sa lungsod ng Legazpi sa ngayong araw ng halalan.

Aminado ang ilan sa mga nakapanayam na mamimili ng Bombo Radyo Legazpi na dumami ang regular na bilang ng mga pumapasok sa malls.

Maging ang mga kumakain sa mga restaurants at fastfood chain ay dumami rin.

Ayon sa ilang residente, pagkakataon na rin umano ng mga pamilya na magkaroon ng bonding lalo na’t walang pasok sa pampubliko at ilang pribadong tanggapan.

Samantala, on-standby din ang police assistance desks sa mga naturang mall.