-- Advertisements --
ATLANTIC
Atlantic records

Magsasagawa ng “Black Out Tuesday” ang mga pangunahing record labels sa US bilang pakikibahagi sa paglaban sa racial inequality dahil sa pagkamatay ng black American na si George Floyd.

Ayon sa mga kilalang record label na suportado nila ang ipinaglalaban ng mga black community.

Ang nasabing hakbang ay bilang paraan ng pakikiisa sa ilang libong mga residente ng US na nagsagawa ng kilos protesta sa pagkamatay ni Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Maging ang mga sikat na singer gaya nina Beyonce at Ariana Grande ay naglabas din ng kanilang mga saloobin sa nangyayaring kilos protesta at racial discrimination.