-- Advertisements --

Sumuporta ang mga malalaking swing state kay dating US President Donald Trump sa 2024 US Presidential Elections.

Batay sa inisyal na resulta ng halalan, bumuto kay Trump ang malalaking battleground state sa US na kinabibilangan ng Pennsylvania na may 19 electoral votes, Georgia na may 16 EV, Wisconsin na sampung EV, at North Carolina na may 15 EV.

Kung susumahin ang lahat ng electoral votes sa apat na battleground state, mayroon nang 60 EV na makukuha si Trump sa mga ito, malaking porsyento para tuluyang maipanalo ang halalan.

Naging malaking bentahe ni Trump ang mga naturang estado upang tuluyang makuha ang mahigit 270 EV sa halalan.

Batay sa naging resulta ng 2020 US Presidential Elections, ang mga estado ng Wisconsin, Georgia, at Pennsylvania ay pawang kulay asul at tanging ang North Carolina lamang ang bumuto noon kay Trump.

Ito ang naging dahilan kung bakit naabot ni US Pres. Joe Biden ang mahigit 270 EV at tuluyang naging pangulo ng US.