-- Advertisements --
download 5

Nakibahagi rin ang tinaguriang “bigwigs” ng Philippine tourism sa World Travel Market 2023.
Sa ikalawang araw ng aktibidad na nagaganap sa Excel sa London, ilan sa mga negosyante ng turismo sa Pilipinas ay personal na dumalo para sa business-to-business marketing, upang makabuo ng mga investment at sales lead para sa kani-kanilang organisasyon.
Kasama sa delegasyon ang mga may-ari ng hotels, resorts, travel agencies at iba pa.
Ang World Travel Market 2023 sa London ay nagbibigay ng pinakakomprehensibong pagtitipon ng mga organisasyong nagnanais na magnegosyo sa sektor ng travel and tours.
Maliban sa nakasanayang offer sa mga turista na magagandang destinasyon at mga kakaibang karanasan, may mga makabagong teknolohiya na ring isinusulong para sa mas makabuluhang byahe sa ating bansa.