-- Advertisements --
Pinawi ni United Broilers and Raisers Association (UBRA) president Elias Jose Inciong ang pangamba ng ilang consumer na baka maapektuhan ang produksyon ng manok dahil sa nananatiling malamig na panahon.
Ayon kay Inciong sa panayam ng Bombo Radyo, mas pabor pa sa manukan ang medyo malamig na panahon dahil hindi na mangangailangan ng cooling effect sa mismong poultry farms.
Sa ilang pagkakataon kasi ay gumagamit pa ng equipment para lamang umikot ang malamig na hangin at hindi mamatay sa init ang mga inaalagaang manok.
Pero ang labis na lamig naman ay maaari ring makapagpababa ng produksyon, dahil halos hindi na kumikilos o kumakain ang mga manok hanggang pumayat at mamatay ang ilan sa mga ito.